October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Ogie nag-react matapos maispatang magkasama sina Liza, Jeffrey

Ogie nag-react matapos maispatang magkasama sina Liza, Jeffrey
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT), Ogie Diaz (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz matapos niyang mapanood ang video kung saan tila magkasama ang dati niyang alagang si Liza Soberano at Jeffrey Oh sa Singapore.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Setyembre 23, sinabi ni Ogie na okay na raw siyang makitang masaya si Liza.

“Basta makita nating happy si Liza, e ‘di okay na tayo dapat do’n. [...] Kasi nga ‘yong mga fans lang naman talaga ang nakahuli no’ng shot na ‘yon. Na natatakpan pala ng babaeng nagbi-video [si Jeffrey].”

Kaya usisa ni Ogie sa co-host niyang si Mama Loi: “Sino naman tayo para kumontra kung happy naman siya doon?”

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

“E, kasi ‘yong iba, Nay, nagtatanong,” sabi ni Mama Loi. “So, kung magkasama sila, magkasama ba sila dahil si Jeffrey Oh ‘yong manager ngayon ni Liza Soberano? O magkasama sila dahil for personal reasons?”

“Alam mo, ‘yong feeling ko hindi ko alam,” sagot ng showbiz insider sabay tawa. “Hayaan na natin, basta happy sila.”

Matatandaang kamakailan lang ay nakapanayam ni Ogie ang dating namamahala kay Liza na si James Reid kung saan isiniwalat nito ang panlilinlang na ginawa ni Jeffrey na katuwang nito noon sa negosyo.

MAKI-BALITA: James Reid, nagoyo ni Jeffrey Oh?

Pero bago pa man ito ay napag-usapan na rin sa showbiz-oriented vlog ni Ogie kung may namamagitan daw kina Jeffrey at Liza.

MAKI-BALITA: 'Paano na LizQuen fans?' Liza Soberano, jowa ang CEO ng 'Careless' na si Jeffrey Oh?

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon sina Liza at Jeffrey tungkol sa mga nasabing intriga.