September 24, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Lalaki hiniwalayan ex-jowa dahil mahilig mag-flex ng mga pinamili

Lalaki hiniwalayan ex-jowa dahil mahilig mag-flex ng mga pinamili
Photo courtesy: Freepik

Mababaw nga bang dahilan kung ang rason kung bakit mo hihiwalayan ang iyong karelasyon ay dahil masyado siyang ma-flex sa mga pinamimili niya sa social media na para bang "social climber" na?

Iyan ang usap-usapan sa Facebook page na "Note" matapos magbahagi ng kaniyang karanasan ang isang anonymous sender, na nagdulot naman ng diskusyon sa mga netizen.

"Nahiwalayan ka tuloy," mababasa sa caption ng post. 

Isinalaysay ng male anonymous sender ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng kaniyang ex-girlfriend. Kuwento niya, minsan daw ay nagpunta sila sa isang men and women clothing and fashion store sa mall para bumili ng mga damit, pants, at medyas.

Human-Interest

'Hiwain ko manok mo!' Lalaking nagtatadtad ng chicken meat sa palengke, kinakiligan

Nang magbabayad na sila sa counter ay ni-request daw ng ex niya sa kahera na ilagay sa magkakahiwalay na paper bags ang bawat item na pinamili nila.

Sa puntong ito ay tila nahiya raw ang anonymous sender sa kapritso ng ex-jowa. Lalo na nang lumabas na sila sa store at nag-aya itong pumunta sila sa isang sikat na coffee shop, at inutusan siya nitong kuhanan siya ng larawan habang hawak niya ang paper bags, para may mailagay siya sa My Story.

"AND SHE KEEPS DOING THIS EVERY TIME WE GO OUT FOR A DATE AND IT'S EMBARRASSING," saad ng sender.

Kaya ang nangyari, "She's a 10 but di ko kaya yung mga ganung gawain niya. It's so embarrassing. Ayun I asked for a break up 2 weeks after."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"KJ mo naman kuya hahaha."

"Part ng love ung alamin natin anong nagpapasaya sa partner natin. Sa tingin ko one of her love language is that.. appreciating things. Flexing. If that irritates you, it's better nga na pag usapan. Knowledge is power and also understanding as well. For sure may bagay ka din naman na nagagawa that irritates her. Walang perfect dear, kaya much better pinag uusapan ang mga bagay bagay. Not for judgement but to give doors for improvements sa relationship."

"Kung ako 'yan, hihiwalayan ko nga. Ayoko ng social climber..."

"Buti na rin na di mo pinatagal kasi kung ayaw mo sa ugali o attitude niya, paano pa kapag nagpakasal na kayo baka mas mairita ka lang, at too late na pala."

"Hahaha! Ang kitid ng isip mo! Malay mo her love language is that appreciating things, flexing pasalamat ka nga sa maliit na bagay mababaw lng kaligayahan ng jowa mo. Baka mawindang ka pag ang hiningi niya sayo bahay at kotse para i flex niya, tpos di mo naman keri ibigay."

"The ex girlfriend who’s a 10 deserves a man who she can be happy with instead of disgust when she is just enjoying her life. She saved herself from a horrible person, you. Good riddance."

"Just my opinion. Dude, I validate your feelings. Pero sana you talked to her privately abt your concern. Perhaps, she would realize yung ganong attitude niya then may settlement ng mga ayaw mo sa kanya and vice versa, if there’s any. Nasaktan ka ng attitude niya, pero nasaktan mo rin naman siya sa break-up. But I hope you both do well in love and life."

"Good job. Letting go is really hard specially if you love your partner but when you're not happy or you can't see the future with your partner . its better to let go specially its not that long pa. I hope you can find someone that will make you happy."

"Tama Yan hiwalayan mo..kasi feeling mo toxic na Siya Sayo...hanap ka Yung simple lang Yung d ka yayain lumabas o mag shopping Yung tipong sana Bahay lang di maluho at di mahilig mag post sa social media...baka di lang kayo match ng style."

"Unless if you’re the one paying sa luho or if she’s forcing you to pay then thats a problem. But if you’re not the one paying sa luho nya, then you should be proud that you have an independent woman by your side and celebrate it with he and be happy for her. If its too much for you to handle, communicate that it has become an issue."

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito?

-------------------------------------------------------

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.