September 23, 2024

Home BALITA

'You've done your job:' Namayapang ina ni Doc Willie Ong, nagpapakita na raw?

'You've done your job:' Namayapang ina ni Doc Willie Ong, nagpapakita na raw?
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Public Affairs (YT)

Ibinahagi ng cardiologist at dating vice president aspirant na si Doc Willie Ong ang nakita niyang vision ng kaniyang namayapang ina.

Sa latest episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” nitong Linggo, Setyembre 22, sinabi ni Ong na kinukuha na raw umabo siya ng mommy niya sa kaniyang panaginip.

“Nagkakaroon na ako ng visions before that time. I saw my mom who died two years ago. ‘Yong mommy ko sa dream ko, kinukuha na niya ako,” saad ni Ong.

“She called me: ‘Willie boy, come to me, come to me!’ Parang sabi ng nanay ko: ‘You’ve done your job on earth. Ginawa mo nang 60 years, e,’” wika niya.

Doc Willie Ong, nababagalan sa healthcare ng Pilipinas

Dagdag pa ng doktor: “25 years na akong walang bayad ang pasyente ni isa. Pharma company ni isa, hindi ako nalalagyan. Wala akong foreign trips abroad.”

Maliban dito ay binanggit din ni Ong ang tungkol pondo sa nakaraang dalawang eleksyon na tinakbuhan niya.

“Campaign [for] senator, 2019. How much did I spend? ₱500,000. Campaign with Isko [Moreno], wala akong tinanggap na pera. I could have gotten tens of million, pero hindi,” aniya.

Kaya naman sa unang bahagi ng panayam ay sinabi ni Ong na kung may magbibigay daw sa kaniya ng Dormicum para makatulog at mamatay, maluwag sa loob daw niyang tatanggapin.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi ni Ong ang larawan niya kung saan makikitang 98% ng kaniyang buhok ay nalagas na matapos sumailalim sa unang round ng chemotherapy.

MAKI-BALITA: 98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang