Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Lunes ng umaga, Setyembre 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:48 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maitum, Sarangani, na may lalim na 22 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.