September 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Ina ni EJ, thankful at proud kapag nasasabihang nakapagpalaki ng mabuting anak

Ina ni EJ, thankful at proud kapag nasasabihang nakapagpalaki ng mabuting anak
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Emosyunal ang ina ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na si Jeanette Obiena nang ikuwento niya ang nararamdaman tuwing napupuri sa pagpapalaki sa anak niyang atleta.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Lunes, Setyembre 23, sinabi ni Jeanette na thankful at proud daw siya kapag binabanggit na napalaki raw niya nang mabuti si EJ.

“I’m very, very proud always and thankful. Lalo ‘pag naririnig mo…kapag sinasabihan kayo ‘you raised a good son,’” saad ni Jeanette.

“Iba ‘yong tanggap ko. Very, very blessed….Isa lang akong nanay na nabigyan ng anak para i-guide to the future,” wika niya. 

Human-Interest

EJ Obiena, hiling na makasama pa nang matagal ang mga magulang

Dagdag pa ng ina ni EJ: “At ngayon, naririnig ko—ang dami kong napupuntahang interview—mga magulang na matatanda na. They look forward to him and thanking for how he was built.”

Kaya naman nagpapasalamat din daw si EJ sa pagpapalaki ng mga magulang niya sa kaniya.

Matatandaang sa isang bahagi ng panayam ay ibinahagi ni Jeanette na ipinagrorosaryo pa raw niya si EJ tuwing tumatalon ito sa pole vaulting.

MAKI-BALITA: Ina ni EJ Obiena, nagrorosaryo tuwing tumatalon ang anak: 'Gusto ko safe siya'