September 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

EJ Obiena, hiling na makasama pa nang matagal ang mga magulang

EJ Obiena, hiling na makasama pa nang matagal ang mga magulang
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Nagbigay ng mensahe ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena para sa mga magulang niyang si Jeanette at Emerson Obiena.

Sa latest episode ng vlog ni Bernadette Sembrano nitong Lunes, Setyembre 23, hiniling ni EJ na makasama pa niya nang matagal ang kaniyang ama’t ina.

“I just hope that you know, that this limited amount of time that we spent together hopefully I maximize it,” saad ni EJ.

Dagdag pa niya: “I’m very thankful that I was raised by them and I’m very blessed to them.”

Human-Interest

Ina ni EJ, thankful at proud kapag nasasabihang nakapagpalaki ng mabuting anak

Samantala, hiling naman ng nanay ni EJ sa kaniya na maging masaya lang daw ito at malusog.

“Be happy,” ani Jeanette Obiena. “Nandito lang kami kung saan man siya dadalhin ng gusto niya. Ang kailangan lang namin is stay healthy and happiness.”

Sa isang bahagi naman ng panayam ay ibinahagi ni Jeanette kung gaano siya ka-proud at nagpapasalamat tuwing nasasabihan siya na napalaki niya nang mabuti si EJ.

MAKI-BALITA: Ina ni EJ, thankful at proud kapag nasasabihang nakapagpalaki ng mabuting anak