September 22, 2024

Home BALITA

PBBM, naiilang kapag pinapasalamatan sa ibinibigay na serbisyo: 'Hindi ko pera 'yan!'

PBBM, naiilang kapag pinapasalamatan sa ibinibigay na serbisyo: 'Hindi ko pera 'yan!'

Nagbigay ng reaksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa birthday message ng isang netizen para sa kaniya.

Sa latest vlog kasi ng pangulo nitong Linggo, Setyembre 22, ay tampok ang mga birthday greet na natanggap niya mula sa iba’t ibang ospital.

At kasama sa mga naitampok ay ang komento ng isang netizen tungkol sa mga programa ng pangulo sa healthcare ng bansa. 

“Still thankful for this effort though, this is just a band-aid solution to the real needs of the Filipino people. This is only for a day. Still do not be deceived by this, the money is coming from our taxes after all,” anang netizen.

National

Mark Andrew Yulo, inimbitahan ni Sen. Bong Go sa PBA game

Kaya sabi ni Marcos, Jr.: “Tamang-tama ang lahat ng kaniyang sinabi. [...] Ako, kung minsan ‘pag nagpapasalamat ang tao sa akin, naiilang ako.

“Sabi ko, ba’t n’yo ako pasasalamatan? Hindi ko pera ‘yan na ibinigay sa inyo. Pera n’yo ito, e. Kaya I agree with everything that she has said,” dugtong pa niya.

Kaya naman ayon sa kaniya ay ginagawa raw nila ang lahat ng paraan upang magamit sa tama ang pondo ng bawat Pilipino.