September 20, 2024

Home SPORTS

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!
Photo courtesy: PVL website

May bagong pakulo ang Premier Volleyball League (PVL) para tugunan umano ang pangungulila ng volleyball community sa break ng liga na nakatakdang magbalik sa Oktubre at tatagal hanggang Mayo 2025.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 19, 2024, ipinakita ng PVL ang teaser ng naturang special content kung na nakatakdang ipalabas sa official YouTube channel ng liga.

“Missing The Heart of Volleyball already? Can’t wait for the start of the new season? We got you covered! We’ll be serving special content EXCLUSIVE on the @pvlph YouTube page.”

Nakatakdang umere ang magkakaibang segments ng nasabing special contents na: “Can You Dig It?,” “Premier Stories,” at “Free Ball” tuwing Biyernes.

PBA 4-point shot, ekis kay 7x NBA Champion Robert Horry

Matatandaang nagtapos ang huling conference ng PVL sa Reinforced Conference kung saan nakumpleto ng Creamline Cool Smashers ang kanilang kampanya matapos tanghaling “grand slam champion.”

Kate Garcia