September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya
Photo Courtesy: Screenshot from ATM

Hinamon ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose ang ilang taong nagsasabi na retokada raw siya.

Sa eksklusibong video kasi ng “Adventure.Taste.Momemnt” kamakailan, tinanong si Julie tungkol sa umano’y weirdest rumur tungkol sa kaniya. 

Ayon sa kaniya: "Weirdest rumor I've heard about myself? Ano daw, retokada daw ako."

"Wala, kapain niyo 'to [dibdib], wala kayong makikita. Wala kayong mararamdaman," natatawang sabi ni Julie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ng Asia’s Limitless Star: "Wala kayong makikita, wala kayong makakapa. Okay? Okay na?”

Samantala, sinagot naman ni Julie sa nasabing panayam ang ilang tanong tulad ng kung sino ang kaniyang dream duet o kung ano ang theme song ng buhay niya.

Pero nang tanungin siya kung sino sa mga host o judge ng The Clash ang makapalitan niya ng buhay, sinabi niya ang pangalan ng Asia’s Romantic Balladeer.

"Christian Bautista... I wanna know how it feels to be strict," saad niya.