September 20, 2024

Home BALITA

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary
Photo courtesy: screenshot from Katrina Ponce Enrile (FB)

Binati ni Katrina Ponce Enrile ang kaniyang mga magulang na sina Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at dating ambassador Cristina Enrile na nagdiwang ng kanilang 67th wedding anniversary.

Sa isang Facebook reel ni Katrina noong Miyerkules, Setyembre 18, 2024, ibinahagi niya ang sweet moments ng kaniyang mga magulang na may nakalagay na “happy anniversary.”

Facebook

Mababasa rin sa caption ng nasabing Facebook reels ang tila pagtataka niya kung paano umano nagtatagal ng mahigit anim na dekada ang pagsasama ng isang mag-asawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“It is mind blowing how two people can stay together for 50 years! But 67 years????? That’s on another level,” saad ni Katrina sa caption.

Idinagdag din niya na bagama’t wala umanong perpektong mag-asawa, patunay umano ang kaniyang mga magulang sa pagtupad sa kanilang wedding vows.

“What I am celebrating today with my parents is a testament to a love so pure no matter the flaws. Through thick and thin. In sickness and in health. Through laughter and pain and always forgiveness and fighting for each other.”

Matatandaang binansagan umanong “immortal” ng netizens si Enrile matapos niyang tumuntong sa edad na 100-anyos nito lamang Pebrero 14, 2024 at kasalakuyan siyang kinikilala bilang pinakamatanda at pinakamatagal na nanunungkulan sa upper chamber ng pamahalaan.