October 11, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo
Photo courtesy: via Balita

Katulad ng nakagisnan, ang “bayan ni Juan” ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko kung saan nagsisimula ito pagpasok pa lamang ng buwan ng Setyembre at nagtatapos hanggang sa buwan ng Enero.

Ayon kay Jimmuel Naval, isa sa mga propesor ng Philippine Studies at eksperto sa pop culture mula sa University of the Philippines-Diliman, mahaba ang pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino dahil sa mga benepisyong maaaring makuha rito.

"Tradisyon na yan kasi ang dami nating nakukuha sa Pasko. Madami tayong gustong mangyari kapag Pasko kaya inaabangan natin ito,” saad ni Naval sa isang panayam niya sa DZMM noong 2017.

Dagdag pa niya malaking puntos din sa mahabang selebrasyon ng mga Pinoy ay ang pagpapalawig ng mga “Ber month” sale kung saan inaabangan ito kasabay umano ng mga “bonus.”

Mga Pagdiriwang

World Mental Health Day: Ano nga ba pinagkaiba ng Anxiety, Stress at Depression?

“Ang mga tao mababait pag Pasko, hindi yan ginagawa pag Enero, pag Abril o Marso. May magbibigay so natutuwa yung mga walang trabaho at kapos sa buhay kaya inaabangan.”

Binigyang diin din niya ang mentalidad ng mga Pilipino tungkol sa pagtingin nito sa kaginhawaang nais makamit sa bago magtapos ang taon.

"Yung Pasko ito yung pangsalba natin. Ito yung tumutubos dun sa lahat ng kahirapan, problema ng buhay na dumarating. ‘Yong sa kabila nito pagdating ng Pasko okay na tayo. May biyayang darating, may grasyang darating, laging ganoon," aniya.

Kapansin-pansin din ang mga ‘Christmas decor’ partikular na ang mga parol na maagang makikita sa mga tahanan at ibang pasyalan na maagang iginagayak ilang buwan bago sumapit ang Disyembre. Ang tradisyong ito ng mga Pilipino ay nagmula pa rin sa impluwensya ng mga Espanyol.

Bago pa man tuluyang maging simbolo ng kapaskuhan ang parol, may kaibahan itong ginampanan sa kasaysayan. Sinasabing ang parol ay nagmula sa salitang Espanyol na “farol,” na ang ibig sabihin ay lampara. Ginagamit ito noon ng mga Pilipino sa tuwing pupunta sa misa de gallo. Ito rin ang bitbit noon sa mga dumadalo sa prusisyon sa tuwing sasapit ang novena bago ang kapaskuhan.

Bunsod ng impluwensya ng Kristiyanismo sa bansa dulot pa rin ng paniniwalang bitbit ng mga Espanyol, umaabot hanggang Enero ang diwa ng Pasko sa Pilipinas hanggang sa mairaos ang kapistahan ng Sto. Niño sa Cebu. Mula sa paniniwala ng mga Katoliko, ang Sto. Niño ay ang kumakatawan imahe ng batang Hesus kalimitan ding simbolo sa kapaskuhan.

Ikaw, anong wish mo ngayong darating na Pasko?

Kate Garcia