September 19, 2024

Home BALITA

Doc Willie Ong, igugugol ang nalalabing araw para ipaglaban ang mahihirap

Doc Willie Ong, igugugol ang nalalabing araw para ipaglaban ang mahihirap
Photo Courtesy: Doc Willie Ong (FB)

Nagpaabot ng mensahe ang cardiologist at dating Vice President aspirant na si Doc Willie Ong para sa mga vlogger, media, at kaibigan.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Setyembre 15, sinabi ni Ong na pinapayagan daw niyang gamitin ang mga cancer video niya upang makapagbigay ng awareness.

“I wish to help all Filipinos with cancer and other serious illnesses. I consider myself very very lucky because I have good medical care and loving relatives beside me,” saad ni Ong.

“But what STRESSES, ANGERS and HURTS me the most is that I know millions of Filipinos can NEVER avail of such treatment. I cry for this injustice,” wika niya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dagdag pa ng doktor: “If God will grant me a miraculous healing for my huge 16 cm sarcoma, I will spend the rest of my remaining days fighting and lobbying for our poor countrymen.”

Sa huli, sinabi niya na kahit batikusin daw siya ay patuloy siyang tutulong sapagkat ang pagmamahal niya sa mga Pilipino ay unconditional.

“May God give me the chance to prove it to you once and for all,” sabi pa niya.

Matatandaang noong Sabado, Setyembre 14, ay isiniwalat ni Ong na mayroon umano siyang Sarcoma cancer at posibleng ang dahilan umano nito ay stress dulot ng mga nababasang komento sa Facebook.