September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Danny Tan, tikom pa rin ang bibig sa kinasasangkutang isyu

Danny Tan, tikom pa rin ang bibig sa kinasasangkutang isyu
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates, Gerald Santos (YT)

Pinag-usapan nina showbiz insider Ogie Diaz at kaniyang mga co-host ang tungkol sa pananahimik ng musical director na si Danny Tan na kasalukuyang sangkot sa umano’y isyu ng pananamantala.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Setyembre 15, binanggit ni Ogie na tila wala pa raw siyang naririnig na anomang pahayag mula kay Danny.

“Sir Danny Tan, baka pwede po kayong magsalita. Kasi mahirap naman na mahusgahan kayo. Alam mo naman ang kultura ng mga Pilipino, ‘di ba?” saad ni Ogie.

“Isa, dalawa, tatlo ang magkuwento ng pare-pareho against a person, syempre pwede na siyang paniwalaan ng ibang tao. Kasi kung ako ‘yan, hindi ako mananahimik kung alam kong hindi totoo,” wika pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa palagay naman ni Mama Loi: “Saka kung ito ay usaping legal, baka dahil wala pang nasasampang mga kaso kaya hindi pa rin niya hinaharap o sinasagot ‘yong isyu.”

Matatandaang kamakailan lang ay lumantad na rin ang isa pa umanong biktima ni Danny na si Enzo Almario, dating miyembro ng child musical group na SugarPop.

Pero bago pa man ito ay nauna nang lumitaw ang dating Kapuso singer na si Gerald Santos simula nang pumutok ang isyu ng pananamantala umano ng dalawang independent contractors kay Kapuso Sparkle artist Sandro Muhlach.

Kaya naman inihayag ni Ogie ang pagiging bukas ng “Showbiz Updates” sa posibleng maging panig ni Danny sa paratang na ibinabato rito.