September 19, 2024

Home BALITA

Doppelganger ni Alice Guo pinapasali sa Kalokalike

Doppelganger ni Alice Guo pinapasali sa Kalokalike
Photo courtesy: ABS-CBN News (FB)/Alice Guo (FB)

Dinogshow na lamang ng mga netizen ang isang ulat na umano'y pagkakadakip sa assistant ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na nanggaya sa kaniyang hitsura.

Ayon sa ABS-CBN, sinadya umanong gayahin ni Catherine Salazar ang kaniyang boss para malito ang mga awtoridad, lalo na sa kasagsagan ng pagtakas ni Alice ng bansa.

Nagpakita sa National Bureau of Investigation (NBI) si Catherine para sagutin ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kaniya. 

 Kinumpirma rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na doppelganger ni Alice si Catherine na nagsilbi umanong "panlito" sa Philippine authorities. 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Naging mailap naman si Catherine sa media nang mauntag siya tungkol dito. 

Dahil dito, biro na lamang ng mga netizen na baka puwede ipasali sa Kalokalike segment ng It's Showtime ang assistant ni Alice.

"Lahat nalang! Ang tahimik ng tao pati sya dinadamay ninyo! Hindi ba pwedeng nataon na kahawig lang talaga! Kahit naman hindi pa sya assistant ni Alice Guo ganyan na talaga itsura nyan!"

"Galing talaga ng nka isip nito, yan ang living AI not artificial."

"Hahahaha Kalokalike na 'yan..."

"Sali ka na ate sa Kalokalike..."