October 11, 2024

Home BALITA

Bukod sa banta ng Kanlaon, 17 barangay sa Negros Occidental binaha dahil sa habagat

Bukod sa banta ng Kanlaon, 17 barangay sa Negros Occidental binaha dahil sa habagat
Photo courtesy: Pexels

Binaha ang halos 17 barangay sa Negros Occidental matapos ang walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat bunsod ng tropical storm Ferdie.

Ayon sa tala ng Provincial Disaster Management Program Division (PDMPD) ang naturang mga barangay ay nasa munisipalidad ng Bago City, Isabela, San Enrique at Pontevedra. Nakikipag-ugnayan na umano ang ahensya sa lokal na pamahalaan ng iba’t ibang barangay upang malaman ang kasalukuyang sitwasyon.

Samantala, batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kasama sa 17 binahang barangay ay ang Lag-asan, Atipuluan, Napoles, and Dulao sa Bago City; Barangay Bagonawa, Batwan, Sibucao, Balwagan, at Guintorilan sa San Enrique; Barangay San Juan and DSB sa Pontevedra; Barangays Ayungon, Doldol, Alijis, Mabini, at Pacol in Valladolid; at Barangay 5 sa Isabela.

Tinatayang nasa 900 indibidwal na ang pinalikas magmula pa noong Huwebes, Setyembre 12, 2024. Habang nasa 218 na pamilya ang lumikas sa karatig bayan at 204 pamilya ang kasalukuyang nasa evacuation centers.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kinumpirma naman ni Edward Ramirez, operations chief of the Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na naitala rin ang landslide sa barangay 4, Sipalay City bunsod pa rin ng matinding buhos ng ulan noong Biyernes ng hapon, Setyembre 13, 2024.

Matatandaang nagbabala rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa buong lalawigan tungkol sa lumalang aktibidad ng nag-aalborotong bulkang Kanlaon matapos ang magkakasunod na pagbuga nito ng matataas na tonelada ng sulfur dioxide.

Kate Garcia