October 11, 2024

Home BALITA National

Bagyong Ferdie, nakalabas na ng PAR; patuloy na pinalalakas habagat

Bagyong Ferdie, nakalabas na ng PAR; patuloy na pinalalakas habagat
Courtesy: PAGASA/FB

Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Ferdie nitong Sabado ng madaling araw, Setyembre 14, ngunit patuloy nitong pinalalakas ang southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa public forecast ng PAGASA, huling namataan ang tropical storm Bebinca (dating Ferdie), 1,210 kilometro ang layo sa east northeast ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis ng 20 kilometers per hour.

Bagama’t nasa labas na ng PAR, patuloy raw hinahatak din nito ang southwest monsoon o habagat na inaasahang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Ayon sa PAGASA, inaasahang magdadala ang habagat ng monsoon rains o mga direktang pag-ulan sa MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Occidental, at occasional rains sa Bicol Region at mga natitirang bahagi ng Negros Island Region.

Bukod dito, inaasahan ding magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms as Metro Manila, mga natitirang bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Caraga, Northern Mindanao, CALABARZON, Zambales, at Bataan, at ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng Mindanao.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms din naman ang posibleng maranasan sa mga natitirang bahagi ng Luzon dahil sa mga natitirang bahagi ng Luzon.