September 18, 2024

Home BALITA National

PBBM, isang 'inspirasyon' sa bawat Pilipino -- DILG Sec. Abalos

PBBM, isang 'inspirasyon' sa bawat Pilipino -- DILG Sec. Abalos
Courtesy: DILG Sec. Benhur Abalos; Pangulong Bongbong Marcos (Facebook)

Sa kaniyang birthday message, nagpasalamat si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagiging isang inspirasyon umano nito sa bawat Pilipino.

“Maligayang kaarawan sa ika-17 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, President Bongbong Marcos!” paunang mensahe ni Abalos sa pangulo sa isang Facebook post.

“Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at pagiging inspirasyon sa bawat Pilipino,” dagdag niya.

Hiniling din ng kalihim ng DILG ang patuloy raw na pagpapala at magandang kalusugan ni Marcos.

National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

“Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng malakas na pangangatawan at matalas na isipan upang maisakatuparan ang inyong magandang hangarin para sa isang BAGONG PILIPINAS,” saad ni Abalos.

Ngayong Biyernes, Setyembre 13, 2024 ipinagdiriwang ng pangulo ang kaniyang ika-67 kaarawan.

Kaugnay nito, inihayag ni Marcos sa isang panayam ng mga mamamahayag na ang pagbuti ng sektor ng agrikultura at pagganda ng buhay ng mga magsasaka ang kaniyang hiling para sa kaniyang kaarawan.

BASAHIN: Pagganda ng buhay ng mga magsasaka, birthday wish ni PBBM sa sarili