September 19, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas
Photo Courtesy: Andrew E. (FB)

Ibinahagi ng rapper at komedyanteng si Andrew E. ang rason kung bakit relevant pa rin umano siya makalipas ang mahigit tatlong dekada sa industriya.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal [PEP] nitong Martes, Setyembre 10, sinabi niya na ordinaryo raw kasi ang hitsura niya kay loyal sa kaniya ang buong Pilipinas.

“Sobrang ordinaryong hitsura ko, the whole Philippines is loyal to me. They are so loyal to me. Kasi, sa mga kanta ko, feeling nila, hindi ko sila iniwan.

“Along the way, lumalaki sila, pinapatugtog pa rin nila ang mga kanta ko. So ang feeling nila, para nila akong kapatid. Para nila akong kapitbahay. Para nila akong kamag-anak. Na lumalaki sila, kasama nila ako.

Musika at Kanta

Sa pagpasok ng Ber months: Mariah Carey, may mensahe sa mga Pilipino

Dagdag pa niya: “So, no’ng tumanda sila, no’ng lumaki sila, still they appreciate me. And plus, ini-introduce naman nila ako sa mga bata, ‘yong mga anak nila, mga pamangkin nila, you know.”

Matatandaang noong Agosto ay inilabas na ang presyo ng ticket para sa "highly-anticipated" first major concert ni Andrew E na gaganapin sa Disyembre 11, 2024.

MAKI-BALITA: Ticket ng 'highly-anticipated' 1st major concert ni Andrew E., available na