September 19, 2024

Home BALITA National

2 nanalo ng ₱281M, taga-Metro Manila!

2 nanalo ng ₱281M, taga-Metro Manila!
MB PHOTO BY MARK BALMORES

Dalawang taga-Metro Manila ang maghahati sa mahigit ₱281 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa PCSO, paghahatian ng dalawang lucky winner ang ₱281,263,080.00 jackpot prize ng Grand Lotto na binola noong Setyembre 7. Nahulaan nila ang winning numbers na 31-03-17-47-24-20.

Ang mga winning ticket ay nabili sa mga lotto outlet sa Lucky Circle Corp. sa SM BF Parañaque City at Metro Retail Stores Group Inc., sa Muntinlupa City.

Anang PCSO, mayroon lamang isang taon ang lucky winners upang i-claim ang kanilang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Kailangan lamang iprisinta ang winning ticket at dalawang balidong identification cards (ID). CO