September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Anyare? Regine, sinabihan ni Ogie na 'wag siyang pakialaman

Anyare? Regine, sinabihan ni Ogie na 'wag siyang pakialaman
Photo courtesy: Screenshots from Regine Velasquez-Alcasid (IG)

Natawa na lamang si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa "trip" ng kaniyang mister na si Asia's Singer-Songwriter at "It's Showtime" host Ogie Alcasid dahil sa pormahan nito sa kanilang date.

Hindi raw kasi maintindihan ni Ate Reg kung ano ang peg ni Ogie.

Mukha raw kasi itong magbabasketball, maglalaro ng golf, o magfi-fishing.

"So pumunta kami ng uptown, tinanong ko sya sa porma nya kasi nalito ako hindi ko alam kung mag babasketball ba o mag golf o mag fishing sabi nya wag daw ako makialam at naka disguise daw sya!!! Pati yung smile disguise din daw baba you’re so cute I was just laughing the whole time " anang Regine. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Hirit naman ni Ogie, huwag na siyang pakialaman ng misis sa porma niya dahil nagdi-disguise siya.

Anyways, kamakailan lamang ay pinabulaanan ng mag-asawa ang mga naglipanang fake news na kesyo maghihiwalay na raw silang dalawa. 

"This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation. I report po natin ito," anang Ogie sa kaniyang Threads post.

MAKI-BALITA: 'It's so sad!' Mag-asawang Ogie at Regine, maghihiwalay na?

Maging si Asia's Songbird ay nag-react din dito. 

“As you all know, marriage is difficult. Marriage is already difficult the way it is. Pero ‘yong may mga tao pa na who’s trying to make it more difficult for us. Hindi po ‘yon maganda. Parang ipinapanalangin n’yo na magkahiwalay kami,” pahayag ni Regine nang bumisita sa noontime show na "It's Showtime."

“Hindi po kami maghihiwalay ever because we love each other. Our marriage is not perfect. Syempre, may mga isyu-isyu. Gano’n naman talaga,” wika niya.

Dagdag pa ng Asia’s Songbird: “Napakabait ng asawa. He is God-centered. Marami siyang ginagawa pero ang focus niya na kay God pa rin. Hence, ako po ‘yong nagbe-benefit doon.”

MAKI-BALITA: Regine, sesemplakin nagsabing hiwalay na sila ni Ogie: 'Maghintay ka d'yan ha!'

Kaya panawagan ni Regine sa madlang pipol, kung may makita man daw silang write-ups na hindi maganda tungkol sa kanila, huwag agad paniwalaan.