September 17, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Welcome back! Alice Guo may free lifetime tarpaulin printing sa isang shop sa Cavite

Welcome back! Alice Guo may free lifetime tarpaulin printing sa isang shop sa Cavite
Photo courtesy: R Digital Print Solutions-Cavite City (FB)

Hinimok ng isang printing shop mula sa Cavite City si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na gamitin na niya ang kaniyang free lifetime tarpaulin printing matapos siyang matiklo sa Indonesia at ibalik sa Pilipinas.

Isa ang printing shop na "R Digital Print Solutions" na sumakay sa kasagsagan ng paghahanap kay Guo sa ibang bansa matapos nitong tumakas dahil daw sa mga natatanggap na death threats, kaugnay sa pagkakadawit sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas, at iba pang mga kaso.

MAKI-BALITA: LIST: Restaurants na may pa-libreng foods kay Alice Guo kapag nakauwi ng PH

Nag-alok ng libreng lifetime tarpaulin printing ang shop kay Guo kung sakaling naisipan niyang bumalik sa bansa.

Human-Interest

Pagsasabit ng pagkain para sa mga walang makain sa ibang bansa, uubra ba sa Pinas?

At dahil naibalik na nga siya sa Pilipinas sa tulong ng Indonesian authorities, pinaninindigan ng shop ang kanilang alok kay Guo.

"WELCOME BACK ! "

"And because we missed you so much, you can now use your on us!

TINGNAN: WELCOME BACK !... - R Digital Print Solutions - Cavite City | Facebook

As long as you should go, see you!" mababasa sa kanilang social media post.

Samantala, sa darating na Lunes, Setyembre 9, ay muling haharap sa senate hearing si Guo upang sagutin ang mga tanong tungkol sa kaniyang pag-alis at iba pang bagay.