September 19, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Sa pagpasok ng Ber months: Mariah Carey, may mensahe sa mga Pilipino

Sa pagpasok ng Ber months: Mariah Carey, may mensahe sa mga Pilipino
Photo Courtesy: Mariah Carey (FB)

Nagpaabot ng mensahe ang American singer-songwriter na si Mariah Carey sa mga Pilipino ngayong nagsisimula na ang Ber months.

Sa Facebook post ni Mariah nitong Sabado, Setyembre 7, nagbigay na siya ng hudyat para simulan ang pagdiriwang ng kapaskuhan kalakip ang link ng awitin niyang “All I Want for Christmas is You.”

“Philippines, it's time (only for you!! ) I hope you're all safe and well. Let’s celebrate together ,” saad ni Mariah.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa Pinoy fans ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

"Manifesting your very first Christmas Show here! Mother Chanteuse, hear our prayer puhlease..."

"Alam na alam mo yan sa puso mo mare. ‍"

"YASSSSSS OUR QUEEN -from PHILIPPINES "

"Filipinos love you Mariah! We celebrate Christmas early! "

"Love you Mariah Carey! Our Christmas is not complete without your songs for Christmas!"

"Not the first time she mentioned about our long Christmas season. Ntl, it feels good she continue to remember it. Thanks Queen Maryah!"

Matatandaang noong 2023 ay nagbigay din siya ng mensahe sa mga Pilipino nang magsimula ang Ber months. Kilala kasi ang Pilipinas sa maagang pagdiriwang ng kapaskuhan.

MAKI-BALITA: Mariah Carey may mensahe sa mga Pinoy sa pagpasok ng Ber month

MAKI-BALITA: Pilipinas, pinakamahabang magdiwang ng Pasko sa buong mundo