September 17, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Dedmatology umano ang beking si Kim Adrian Juanico sa mga batikos na natanggap nang mabuntis niya ang partner na lesbian na si Apple Hirali na nahumaling daw sa kaniya nang minsan silang magkainuman.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, inilahad ni Kim ang dahilan kung bakit tila manhid na siya sa diskriminasyong nararanasan sa paligid na ginagalawan niya lalo na nang ipagbuntis ni Apple ang panganay nila.

“Hindi po ako nahihiya. Masaya po talaga ako no’n. Hindi ako naaapektuhan sa sinasabi ng tao. Kasi bakit ako maaapektuhan? Ikaw ba ang nagpapakain sa akin? [...] Close ba kita?” saad ni Kim.

“Ang akin lang po kasi, hindi na ako bago sa mga discrimination na natanggap ko. Hindi na bago sa akin ‘yon noong nagkaanak pa ako,” wika niya.

Human-Interest

Pagsasabit ng pagkain para sa mga walang makain sa ibang bansa, uubra ba sa Pinas?

Dagdag pa niya: “Ang tanging nasa isip ko lang, hindi ako magpapaapekto sa inyo. Ang nasa isip ko lang, mapalaki ko nang maayos ‘yong bata na alam kong magiging proud sa akin ‘to paglaki.”

Pag-amin ni Kim, pangarap daw talaga niya na makabuo ng isang pamilya na matatawag niyang kaniya. Pero kung may naapektuhan man daw sa kanilang dalawa, si Apple. 

Gayunman, nauwi rin naman sa kasalan ang kanilang pagsasama noong Setyembre 1. Bukod pa dyan, walong buwan na ring nagdadalang-tao si Apple sa ikalawa nilang anak ni Kim.