November 25, 2024

Home BALITA National

PANOORIN: Sen. Imee umindak, 'di nagpahuli sa 'Maybe This Time' dance challenge

PANOORIN: Sen. Imee umindak, 'di nagpahuli sa 'Maybe This Time' dance challenge
Courtesy: Sen. Imee Marcos/FB screengrab

Hindi nagpahuli si Senador Imee Marcos sa pag-indak ng TikTok trend na “Maybe This Time” dance challenge.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Setyembre 7, ibinahagi ni Marcos ang video ng pagsayaw niya kasama sina Zeus Collins, Kid Yambao at Nikko Natividad.

“‘She's smilin' like she used to smile way back then.’ Pero parang may mali? Kid Yambao Zeus Collins Nikko Seagal Natividad,” caption ni Imee sa kaniyang post.

Sa dulong bahagi ng kanilang pagsasayaw ay pabirong hinawakan ni Marcos ang mga balikat Nikko, na kwela namang napa-”aray” sabay hawak sa kaniyang kanang mata na umarteng nasaktan.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

“Aray. Pahinging ₱1,500,” hirit ni Nikko na nagpatawa naman sa tatlo.

Ang “Maybe this time” dance challenge ay orihinal na ginawa ng estudyanteng si Ralp Xyrel Villaruz habang nagpapalipas ng pagkainip sa loob ng kanilang silid-aralan.

Kaugnay nito, matatandaang pinasalamatan kamakailan ni Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo si Villacruz dahil sa muling pagpapasikat ng kaniyang awitin.

MAKI-BALITA: Sarah Geronimo, nagpasalamat sa nagpa-viral ng 'Maybe This Time'