October 11, 2024

Home BALITA National

Pag-aresto sa puganteng may kaso, di dapat ginagawang social event—Sen. Risa

Pag-aresto sa puganteng may kaso, di dapat ginagawang social event—Sen. Risa
Photo courtesy: Sen. Risa Hontiveros/NBI via Balita

Nagbigay-paalala si Sen. Risa Hontiveros na ang pag-aresto sa isang puganteng may kinahaharap na patong-patong na kaso ay hindi dapat ginagawang social event.

Ito ay matapos maglitawan ang iba't ibang larawan ng selfie sa pag-escort kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo pauwi ng Pilipinas, mula sa Indonesia kung saan siya natiklo.

"Hindi dapat ginagawang social event ang pag-aresto sa isang puganteng sangkot sa patong-patong na kaso ng human trafficking, money laundering, fake identity, gross misconduct, illegal recruitment and detention, at corruption," pahayag ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post.

Isang paalala sa lahat pati na sa ating... - Senator Risa Hontiveros | Facebook

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Hindi dapat ginagawang social event ang... - Senator Risa Hontiveros | Facebook

Nauna nang ipaalala ni Sen. Risa na hindi celebrity si Alice kaya hindi tama ang pagpapa-picture ng ilang kawani ng pamahalaan sa kaniya.

"Matapos nyang makipag-taguan sa batas, ginawa namang fan-meet nitong si Alice Guo ang pagkakaaresto nya," pahayag ni Sen. Risa

"Kulang na lang, red carpet."

"Tingnan natin kung gaano sya ka-photogenic sa hearing sa Lunes."

Facebook

MAKI-BALITA: Pag-aresto kay Guo, ginawang fan-meet, kulang na lang ng red carpet--Hontiveros

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaalalahanan gov't employees: 'Si Guo ay pugante, 'di celebrity!'