January 15, 2025

Home BALITA National

Pag-selfie ng gov't employees kasama 'isang kriminal', 'di dapat palampasin -- Gatchalian

Pag-selfie ng gov't employees kasama 'isang kriminal', 'di dapat palampasin -- Gatchalian
(Sen. Win Gatchalian/FB; contributed photo)

Iginiit ni Senador Win Gatchalian na hindi dapat palampasin ng enforcement agencies ang naging pagpapa-selfie ng ilang mga kawani ng pamahalaan sa “isang kriminal” na tulad daw ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Setyembre 6, sinabi ni Gatchalian na dapat magkaroon ng “professionalism” ang mga alagad ng batas sa pag-aresto kay Guo.

“Dapat magpakita ng professionalism and proper decorum ang lahat ng alagad ng batas lalo na sa pag-aresto ng mga pugante,” giit ni Gatchalian.

“Talagang hindi maganda na nagpapa-selfie at ipino-post pa sa social media ng mga enforcers ang pictures na kasama nila ang isang kriminal. Hindi pwede palagpasin ng mga enforcement agencies natin ang ganitong asal,” saad pa niya.

National

'For the first time in 20 years!' BIR, nakakolekta ng ₱2.8T sa taong 2024

Sa ginanap na pag-turn over ng Indonesia kay Guo sa mga awtoridad ng Pilipinas, na pinangunahan nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil, kumalat sa social media ang ilang mga larawan kung saan “all smiles” si Guo at mga kawani ng gobyerno.

Nagpaliwanag naman si Abalos kaugnay ng naturang masayang larawan nila ni Marbil kasama ang pinatalsik ng alkalde.

BASAHIN: Sec. Abalos, nagpaliwanag sa larawang naka-'peace sign' si Alice Guo

Maging si Guo ay nagbigay ng paliwanag kung bakit “all smiles” siya sa mga larawan kasama ang mga kawani ng pamahalaan.

MAKI-BALITA: Guo sa all-smiles pictures niya kasama gov't employees: 'Masaya akong makita sila'

Nagbigay rin ng reaksyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naturang pagpapakuha ng larawan ng mga kawani ng pamahalaan kay Guo.

MAKI-BALITA: PBBM, nag-react sa selfies ni Guo kasama sina Abalos, Marbil at ibang gov't employees

Matatandaang nitong Biyernes ng madaling araw nang makalapag sa Pilipinas si Guo matapos siyang i-turn over ng Indonesia sa mga awtoridad ng bansa.

Ito ay matapos maaresto si Guo ng mga awtoridad ng Indonesia noong Miyerkules, Setyembre 4.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Nahaharap si Guo sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.