September 13, 2024

Home BALITA

TPO laban sa mga pulis na naghahalughog sa KOJC, ipinawalang-bisa ng CA

TPO laban sa mga pulis na naghahalughog sa KOJC, ipinawalang-bisa ng CA
Photo courtesy: via Balita

Ipinawalang-bisa ng 22nd Division ng Court of Appeals (CA) sa Cagayan De Oro City ang Temporary Protection Order (TPO) na inisyu ng Davao City RTC Branch 15 laban sa mga pulis na nagsisilbi ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus KOJC compound, ayon mismo kay PNP Spokesperson PCOL Jean Fajardo.

Ayon sa panayam kay Fajardo, ibinasura ng CA ang TPO na unang inilabas noong Agosto 27 na naglalayong ipatigil sa PNP ang pagpapatupad ng mga hakbang na magdudulot ng panganib sa buhay, kalayaan, seguridad at ari-arian ng mga miyembro KOJC sa Davao City.

MAKI-BALITA: PNP, tuloy pa ring hahalughugin ang KOJC compound—Abalos

Bahagi ng pasyang inilabas ng nakatataas na korte, "The Court finds that the public respondent RTC Branch 15 - Davao City has acted without authority in taking cognizance of the [writ of] amparo case. It follows that the issuance of temporary protection order has no basis."

National

PBBM, isang 'inspirasyon' sa bawat Pilipino -- DILG Sec. Abalos

Samantala, kamakailan lamang ay kinuwestyon ni Atty. Israelito Torreon ang halos lagpas na 11 araw na paghuhukay ng kapulisan sa Jose Maria College basement para patuloy na hanapin kung nagtatago ba sa ilalim ang akusado.

Direktang tinawag ni Torreon ang atensyon ni PNP Chief Rommel Marbil sa kaniyang Facebook posts.

"General Marbil, please grant us access to the JMC Basement so that we can confirm this, 8 meters na daw kalalim at wala pa rin ang bunker mo. Please stop this madness!" aniya.

MAKI-BALITA: Abogado ni Quiboloy, ipinakita lalim ng hukay ng mga pulis sa JMC basement