September 17, 2024

Home SHOWBIZ Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?
Photo courtesy: Freepik/Pixabay

Nakakaloka ang blind item ng PEP kung saan isang "tinigok" daw na premyadong aktor mula sa isang serye ang bigla na lamang nawala at napabalitang nag-ala "Alice Guo" ito sa ibang bansa, para daw takasan o iwasan ang isang nakaambang kaso laban sa kaniya.

Ayon sa deskripsyon ng ulat, wala raw mag-iisip nang masama sa nabanggit na aktor na bahagi rin ng isang weekly show, pero dahil umeskapo nga raw patungong ibang bansa, ay hindi rin napanood sa nabanggit na palabas.

Marami raw nagtatakang netizens kung bakit bigla na lamang tinigbak ang karakter niya sa show kung saan may chemistry naman daw sila ng bidang babae.

Pero eventually, ito na nga raw ang kasagutan ayon sa source ng PEP, na hindi pa kumpirmado kung trulalu ba.

Blind Item

Blind item: Talent ng TV network naabuso rin, natatakot lumantad

Ayon pa sa sitsit, kasa-kasama raw ng aktor na ito ang kaniyang utol sa isang bansang malapit-lapit lang sa Pilipinas. Sinasabing baka madamay raw ang utol niya sa nakaambang posibleng kaso na para bang iniiwasan ng aktor na kilalang mabait daw sa showbiz industry.

Hinihinalang kagaya ito ng nangyari sa TV host na si Luis Manzano na naabswelto sa posibleng kaso, at kay Ricardo Cepeda na hanggang ngayon ay nakapiit pa rin. May kinalaman umano ito sa investment sa isang negosyo.

Well, abangan na lamang ang mga susunod na kabanata, at sana, malagpasan ito ng aktor kung talagang wala siyang pananagutan dito.