September 18, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Rufa Mae, inangkin ang 'Gento' ng SB19: 'I dedicate that song to myself'

Rufa Mae, inangkin ang 'Gento' ng SB19: 'I dedicate that song to myself'
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN Entertainment (YT)

Nakakaaliw ang hirit ni Kapuso comedienne Rufa Mae Quinto tungkol sa “Gento” ng patok na all-male Pinoy Pop group na SB19.

Sa isang episode kasi ng “It’s Showtime” nitong Martes, Setyembre 3, tampok sa segment na “Kalokalike Face 4” ang contestant na kahawig ni Stell Ajero na sumayaw ng “Gento.”

“Ang ganda ng kanta. [...] Parang apelyido ko, Quinto,” sambit ni Rufa pagkatapos mag-perform ng nasabing contestant.

Kaya naman, napasayaw na rin si Rufa habang binibigkas ng ilang “It’s Showtime” hosts ang apelyido niya sa halip na “Gento.”

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

“And I dedicate that song to myself. I hope I like it,” aniya.

Matatandaang may ganito ring hirit si Rufa kamakailan nang sagutin niya ang isang netizen na humihiling na sana raw ay maging regular host na siya ng "It's Showtime."

MAKI-BALITA: Rufa Mae sa hirit na maging host ng It's Showtime: 'I regular myself haha'

Samantala, nakatanggap naman ng batikos ang Kalokalike ni Stell na si Jeon Cyrus dahil muli raw naungkat ang hitsura ng ini-impersonate nito.

MAKI-BALITA: Kalokalike ni Stell sinisisi; dating hitsura, naungkat tuloy