September 20, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, ibinahagi ang gusto pang makamit bilang atleta

Carlos Yulo, ibinahagi ang gusto pang makamit bilang atleta
Photo Courtesy: Carlos Yulo (FB)

Ano pa nga ba ang gustong makamit ng two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast na si Carlos Yulo gayong kung tutuusin ay halos nasa rurok na siya ng tagumpay?

Sa latest episode ng “Luis Listens” nitong Martes, Setyembre 3, sinabi ni Carlos na gusto raw niyang maibahagi pa sa ibang kabataan ang experience at nalalaman niya tungkol sa gymnastics.

“Siguro po ‘yong ma-share ko ‘yong knowledge ko po and ‘yong naging experience ko po sa high level po, sa gan’tong ka-elite level po, ma-share ko siya sa mga kabataan,” saad ni Carlos.

Dagdag pa niya: “Hopefully na makarating din sila sa ganitong level po.” 

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pero bago pa man ito ay ibinahagi rin ni Carlos sa isang press conference ang goal niya raw sa darating na 2028 Olympics.

“Gusto ko this time po ang target ko na maka-medal po sa individual po talaga this time,” aniya.

Samantala, sa isang bahagi ng “Luis Listens,” hiniritan ni Luis si Carlos ng balatong condo matapos ipahiwatig ng huli na mas mahalaga umano ang medalya sa lahat ng natanggap nitong premyo.

MAKI-BALITA: Luis Manzano, hiningi premyong condo ni Carlos Yulo