September 18, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Maine Mendoza, bet gamitin isang kanta ng Nobita sa pelikula

Maine Mendoza, bet gamitin isang kanta ng Nobita sa pelikula
Photo Courtesy: Maine Mendoza, Nobita (FB)

Napabilib ng OPM band na Nobita ang TV host-actress at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza nang minsan silang bumisita sa “Eat Bulaga.”

Sa Facebook post ng Nobita nitong Lunes, Setyembre 2, makikita ang screenshot ng mensahe ni Maine sa kanila.

“Thank you for guesting on ‘Eat Bulaga’ this afternoon! Just wanted to express my admiration, ang galing n’yo! Also share ko lang din, there was a time I listened to ‘Ikaw Lang’ on repeat!” saad ni Maine.

“I hope one day, even if I don’t really do acting projects anymore, magamit ko siya sa isang movie. If hindi man ako, I look forward to hearing your songs in films coz you guys deserve it,” aniya.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Dagdag pa niya: “Congrats on everything!’

Tila marami namang netizens ang sumang-ayon kay Maine sa husay at galing ng banda. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Legit talagang magaling ang Nobita 100% mapapanganga ka sa halimaw na boses ng vocalist nila isama mo pa jan yung mga nag gagalingan nilang guitarist and drummer ng band. "

"One of my fave din tong song "

"Maganda Kasi song nyo idol"

" The best tlga song n yan"

"I really love that song 'ikaw lng'

"First time to heard that song nung kinanta nyo s anilag since then paulit ulit ko ng pinakikinggan more song pls"

"Pareho pala kami ng fave ni Menggay na song"

"'Ikaw Lang' is the music we used for our Prenup video " 

Matatandaang inilunsad ng Nobita ang kanilang kauna-unahang album na pinamagatang “Butterfly” noong Hulyo 2023 na binubuo ng 8 kanta.