September 17, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gabbi, pinag-aawayan nina Ruru at Bianca?

Gabbi, pinag-aawayan nina Ruru at Bianca?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Integrated News (YT)

Nakakaloka ang rebelasyon ng Kalokalike ni Kapuso star Ruru Madrid na si Kevin Dangcalan tungkol sa pinag-awayan umano ng ini-impersonate niya at ng jowa nitong si Bianca Umali, na nagsilbing hurado sa segment na “Kalokalike Face 4.”

Sa isang episode kasi ng “It’s Showtime” nitong Lunes, Setyembre 2, sinubok ni Unkabogable Star Vice Ganda ang mga nalalaman ni Kevin tungkol sa nasabing celebrity couple. 

Kaya naman nagtanong siya ng mga facts tungkol kina Ruru at Bianca. Isa sa mga nausisa ni Vice Ganda ay kung sino raw ang artistang pinag-awayan ng dalawa.

Tahasang sagot ni Kevin: “Gabbi.” 

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

“Hoy!” windang namang sabi ni Bianca. Nagtawanan tuloy ang mga “It’s Showtime” host.

“Sino ba ‘yong sinabi mo? Gabbi?” sundot ni Vice Ganda.

Hirit naman ni Kim: “Gabbi Garcia.”

“Concepcion po. Gabby Concepcion,” paglilinaw naman ni Kevin.

Matatandaang minsan na ring inintriga si Bianca matapos itambal ang Vivamax sexy actress na si Angeli Khang kay Ruru sa teleserye nitong “Black Rider.”

Ngunit ayon sa aktres ay hindi raw siya nagseselos dahil may sistema raw sila ni Ruru sa kanilang relasyon na nagsisikap na maging honest at transparent sa isa’t isa. 

MAKI-BALITA: Bianca Umali, ‘di nagseselos kay Angeli Khang

In fact, ibinilin pa nga ni Bianca ang jowa niya sa mga leading lady na makakatambal nito!

MAKI-BALITA: Bianca, pinaubaya si Ruru sa leading ladies niya: 'Kayo muna mag-alaga