September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Carlos Yulo, nakasama sa larawan si Andrea Brillantes

Carlos Yulo, nakasama sa larawan si Andrea Brillantes
Photo courtesy: Chloe San Jose (IG)

Mismong si Chloe San Jose ang nag-flex ng larawan ng kaniyang jowang si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at Kapamilya star Andrea Brillantes, sa kaniyang Instagram story.

Hindi tiyak kung kailan at paano nagkrus ang mga landas nila, subalit mahihinuhang kuha ito sa ABS-CBN compound. Kamakailan kasi ay nagsadya si Caloy sa Kapamilya Network para sa TV guestings, at si Chloe naman ay humataw sa kaniyang "Havana" performance sa musical variety show na "ASAP."

MAKI-BALITA: Chloe San Jose pasabog, nagpainit sa ASAP stage; sasabak na sa showbiz?

MAKI-BALITA: Caloy sa pasiklab ni Chloe sa ASAP: 'So proud of you mahal ko, grabeeeeee!'

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"godbless @Blythe," text caption dito ni Chloe.

Photo courtesy: Screenshot from Chloe San Jose (IG)

Kaya wala nang magsasabing "Kabahan ka na Chloe" dahil kasama rin naman siya sa frame!

In fairness, sikat na sikat na nga ang mag-jowa dahil kahit sa pagbabalik ng segment na "Kalokalike" sa noontime show na "It's Showtime," sila kaagad ang entrada. 

MAKI-BALITA: 'Caloy at Chloe' nagbanggaan sa Showtime

Paglabas pa lamang ni "Carlos Yulo ng Marikina City" na si Andres ay nagtilian na ang madlang people audience dahil kitang-kita namang si Caloy ang ginagaya nito. Nagpasampol pa ito ng kaniyang mga routine sa gymnastics.

Bukod dito, kuhang-kuha rin niya ang taas at pangangatawan nito.

Lalo namang nawindang ang madlang people nang pagkatapos ni Caloy ay si "Chloe San Jose ng Pasig City" na si Kat ang bumida, na mukhang fresh pa sa kaniyang naging performance sa musical variety show na "ASAP."

Ang pangatlong contestant naman ay si "Ruru Madrid ng Quezon City" na si Kevin, na pinasaya naman ang isa sa mga hurado na si Kapuso star Bianca Umali, na jowa ng totoong Ruru.

Siyempre pa, ang nanalo sa unang sultada ng Season 4 ng Kalokalike ay si Carlos Yulo ng Marikina City.

Agad naman silang kinapanayam sa Showtime Online U.