Nag-landfall na ang Tropical Storm Enteng sa vicinity ng Casiguran, Aurora dakong 2:00 ng hapon nitong Lunes, Setyembre 2, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA dakong 2:00 ng hapon, taglay ng bagyong Enteng ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour, at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-north northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Ilocos Norte
Apayao
Eastern portion ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, City of Tabuk)
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Isabela
Quirino
Northern portion ng Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
Polillo Islands
Northern portion ng Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons)
Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:
Batanes
Ilocos Sur
La Union
Eastern portion ng Pangasinan (Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, San Nicolas)
Abra
Mga natitirang bahagi ng Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Nueva Vizcaya
Mga natitirang bahagi ng Aurora
Nueva Ecija
Eastern portion ng Pampanga (Candaba)
Eastern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, City of San Jose del Monte, Obando, City of Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Bustos, Baliuag, Pandi, Santa Maria, Marilao, Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel)
Metro ManilaMga natitirang bahagi ng Quezon
Rizal
Laguna
Eastern portion ng Batangas (San Juan, Santo Tomas, City of Tanauan, Lipa City, Malvar, Balete, Padre Garcia, Rosario)
Marinduque
Mga natitirang bahagi ng Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Ayon sa PAGASA, inaasahang patuloy na kikilos ang bagyong Enteng pa-north northwest at magla-landfall sa northern portion ng Aurora (Dilasag-Casiguran) o sa southeastern portion ng Isabela (Dinapigue) sa susunod na tatlong oras.
Samantala, inaasahang lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category bukas ng Martes ng gabi, Setyembre 3, o sa Miyerkules ng umaga, Setyembre 4, at sa “typhoon” category pagsapit ng Huwebes, Setyembre 5.
Posible raw na lumabas ang Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Miyerkules ng tanghali.