September 19, 2024

Home SHOWBIZ Events

Concert ng BINI, dinagdagan ng isa pang araw

Concert ng BINI, dinagdagan ng isa pang araw
Photo Courtesy: BINI (FB)

Nagkaroon ng isa pang araw na ekstensyon ang two-day concert ng all-female Pinoy Pop group na BINI sa darating na Nobyembre.

Sa Facebook post ng Star Music PH nitong Sabado, Agosto 31, sinabi nila na mangyayari ang ikatlong araw ng concert sa Nobyembre 18.

“Due to insistent public demand, Day 3 is happening on November 18! General Ticket selling will start on September 1, 5PM via Ticketnet online and Ticketnet Outlets,” anunsiyo ng Star Music PH.

Dagdag pa nila: “Best of luck, BLOOM! See you at the much-awaited grandest event in November only at @thebigdome! ”

Events

Righhhooouuurrr at Lena, ginawang endorser ng liempo

Matatandaang naiulat noong Biyernes, Agosto 30, na naubos umano agad ang ticket para sa “Grand BINIverse” sa loob lamang ng tatlong oras.

Kasunod nito ay naglitawan ang mga espekulasyon at haka-haka na may mga nang-hoard umano para ibenta nang mas mahal ang ticket.

MAKI-BALITA: Ticket para sa concert ng BINI, hinoard kaya mabilis naubos?