November 26, 2024

Home BALITA National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Camarines Sur

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Camarines Sur
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa probinsya ng Camarines Sur nitong Huwebes ng madaling araw, Agosto 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:46 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Caramoan, Camarines Sur, na may lalim na 7 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity III sa Caramoan, CAMARINES SUR.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.