November 22, 2024

Home SPORTS

Eraserheads sa UAAP ceremony, tatalbugan centennial opening ng NCAA?

Eraserheads sa UAAP ceremony, tatalbugan centennial opening ng NCAA?
Photo courtesy: NCCA, UAAP, Eraserheads (FB)

Yayanigin ng Eraserheads ang opening ceremony ng season 87 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa Setyembre 7, 2024 sa SMART Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City sabay sa centennial celebration ng ika-100 season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nais ng season 87 host na University of the Philippines (UP) na mas pagtibayin ang tema ngayong taon na “Stronger. Better. Together” sa pamamagitan ng banda.

“We're happy that the Eraserheads are going to share their magic with the UAAP as we start Season 87. Saktong-sakto 'yung mangyayaring ito sa theme natin for this season,” pagkumpirma ni UP Office for Athletics and Sports Development (OASD) director Bo Perasol.

Matatandaang nitong Agosto 20, 2024 nang matanggap ng Eraserheads ang Gawad Oblation Award, isa sa mga pinakamataas na parangal na iginagawad ng UP sa hindi matatawarang kontribusyon ng kanilang alumni.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang opening ceremony kasama ang Eraserheads ay nakahiwalay sa ticket selling ng opening games na sisimulan naman ng ‘Battle of Katipunan.’

Inaasahang itotodo ng UP ang opening ceremony lalo na’t uumpisahan din nito ang pagkakaroon ng panibagong sistema sa lighting of torch. Nakatakdang bisitahin ng UP ang 7 participating schools sa pagsasagawa nila ng kani-kanilang PEP rally upang ibigay ang isang LED-lit torch na bubuksan sa Setyembre 7 hanggang sa matapos ang season.

Samantala, pinasinayaan na rin ng NCAA sa publiko ang bago nitong logo para sa season 100 na may temang “Siglo Uno: Inspiring Legacies.”

Sa pagdiriwang ng ika-100 season, nais ng NCAA board na parangalan ang “10 Greatest Players” ng liga. Ayon sa board, isa sa kanilang basehan para sa nominado ay dapat umanong 20 taon ng retirado sa paglalaro.

“There will be 10 Greatest Players who are not necessarily legends, but they will be introduced during the opening ceremonies. Per school,there would be one I think,” saad ni NCAA Management chairman Hercules Callanta.

Paglilinaw din ng komite, pasok din sa nominasyon ang mga manlalarong nagmula sa mga unibersidad na hindi kasama sa liga ngayon tulad ng Ateneo de Manila University, De La Salle University at University of Santo Tomas.

"Because it’s history, you cannot change or erase history, we need to honor them even if they belong to another league now. Yes, kasama sila, paglilinaw ni Callanta.

Kate Garcia