September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe at Caloy, naglambingan sa sofa kasama ang doggy

Chloe at Caloy, naglambingan sa sofa kasama ang doggy
Photo courtesy: Chloe San Jose (IG)

Proud na flinex ni Chloe San Jose ang lambingan nila ng boyfriend na si "Golden Boy" carlos Yulo habang kasama nila ang isang pet dog.

Sa Instagram story ni Chloe, makikita ang pagbabahagi niya ng larawan nila ni Caloy habang naglalambingan sa isang couch kasama ang kanilang "baby."

Isa sa mga larawan ay makikitang tinaniman ng halik sa noo ni Caloy ang kaniyang partner.

Photo courtesy: Chloe San Jose (IG)
Photo courtesy: Chloe San Jose (IG)

Hinuha ng mga netizen, sa bagong condo unit ni Caloy kuha ang nabanggit na mga larawan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Noong Agosto 23 ay nagbahagi si Chloe ng mga larawan nila ni Caloy na kuha sa bagong condo unit niya.

"very demure, very mindful, very cutesy," caption niya.