Isang magnitude 4.8 na lindol ang tumama sa Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Agosto 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:27 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 221 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 154 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.