September 19, 2024

Home BALITA

Ilang miyembro ng KOJC, sinusugatan ang isa't isa para isisi sa mga pulis?

Ilang miyembro ng KOJC, sinusugatan ang isa't isa para isisi sa mga pulis?
Photo courtesy: Screenshot from DZBB Super Radyo (X)/via Balita

Ilang miyembro daw ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang navideohang sinusugatan ang kapwa nila miyembro upang isisi ito sa kapulisang nagsasagawa ng man-hunt operation laban sa founder nilang si Pastor Apollo Quiboloy, na may warrant of arrest na dahil sa patong-patong na kasong kinahaharap niya.

Ayon sa spokesperson ng Philippine National Police (PNP) na si PCol. Jean Fajardo, may hawak na video na raw ang kapulisan na magpapatunay na sinasaktan mismo ng mga miyembro ang kanilang kapwa miyembro upang maisising kagagawan ito ng PNP personnel.

"Mayroon tayong hawak na video ngayon na nagpapakita na meron sila roon sa isang lugar doon na mismong mga miyembro ang nagsusugat doon sa kapwa nila miyembro, na para ipakita at isisi sa mga kapulisan natin na galing 'yong injury nila sa ating mga kapulisan," anang Fajardo, sa isang press conference, na napaulat naman ng DZBB Super Radyo.

"We are just waiting na ma-authenticate po itong video na po ito to show how desperate these people are para ipakita na umaabuso 'yong mga pulis natin, nananakit ang mga pulis natin, but on the contrary, 'yong mga pulis natin ang minumura, tinatadyakan, at sinasaktan..."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Paglilinaw pa ni Fajardo, nakakaya pa naman ng PNP ang sitwasyon sa compound sa pangunguna ni Gen. Nicolas Torre III.