September 21, 2024

Home BALITA National

PBBM, 'di na puwedeng manahimik sa pahayag ni VP Sara -- Rep. Manuel

PBBM, 'di na puwedeng manahimik sa pahayag ni VP Sara -- Rep. Manuel
MULA SA KALIWA: VP Sara Duterte, Rep. Raoul Manuel at Pres. Bongbong Marcos (Facebook)

Iginiit ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na hindi na puwedeng manahimik si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang naging pahayag laban sa kaniya ni Vice President Sara Duterte.

Matatandaang sa isang pahayag ni Duterte nitong Linggo, Agosto 25, humingi siya ng tawad sa lahat ng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil hinikayat at pinakiusapan daw niya ang mga ito na iboto si Marcos noong tumatakbo pa lamang ito bilang pangulo ng bansa.

MAKI-BALITA: VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022

Dahil dito, humirit naman si Manuel na hihingi rin ba umano si Marcos ng patawad sa mga tagasuporta ng UniTeam dahil sa pagkuha niya kay Duterte bilang kaniyang bise presidente noong 2022 elections.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

“Hindi na pwedeng manahimik ang nakaupong pangulo tungkol dito. Hihingi rin ba siya ng kapatawaran sa UniTeam supporters dahil sa pagkuha niya kay Sara Duterte bilang bise presidente noong 2022?” ani Manuel.

Iginiit din ng mambabatas na hindi raw ang taumbayan ang magtatagumpay sa gitna ng iringan ng dalawang kampo.

“We are at a point of no return. Ang tandem na nangako ng pagkakaisa ay nag-aaway na sa harap ng taumbayan.”

“Kaya hindi tatagal bago mas aktibong kikilos ang parehong kampo para matanggal ang kalaban sa kapangyarihan at lalong isulong ang pansariling kapakanan. Hindi taumbayan ang magwawagi sa kumpetisyon ng dalawang kampo na ito,” saad ni Manuel.

Matatandaang sina Marcos at Duterte ang mag-running mate noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam. Muli namang naging usap-usapan ang pagkabuwag ng UniTeam matapos magbitiw ni Duterte bilang miyembro ng gabinete ni Marcos at dahil sa hindi niya pagdalo sa naging State of the Nation Address (SONA) nito noong Hulyo.

Samantala, ang naturang pahayag ni Duterte nitong Linggo ay nangyari sa gitna ng kaniyang pagkondena sa naging pagpasok ng nasa 2,000 pulis nitong Sabado, Agosto 24, upang isilbi ang arrest warrant ni Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.

MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy

MAKI-BALITA: 1 KOJC member, patay sa gitna ng paghalughog ng PNP para kay Quiboloy