September 13, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Normal pa ba? Babae, nahuli 24-anyos na fiancé na dumedede pa sa nanay niya

Normal pa ba? Babae, nahuli 24-anyos na fiancé na dumedede pa sa nanay niya
Photo courtesy: Freepik

"Nahuli ko ang boyfriend ko na dumedede sa nanay niya!"

Iyan ang problemang idinulog ng isang babaeng caller sa programa ni DJ Kara sa Energy FM na talaga namang nakaka-eskandalo at nakakaintriga!

Nire-upload sa official Facebook page ng radio station ang replay episode ng pagdulog ng isang babae patungkol sa kaniyang fiancé na nahuli niyang "dumedede" pa raw sa nanay nito.

Hindi siya makapaniwalang ang tila "mama's boy" niyang mapapangasawa na 24-anyos na ay dumedede pa sa nanay nito, kaya hindi niya maiwasang magtanong kung normal pa ba ito. Apat na taon na raw silang magkasintahan, at kuwento niya, ang jowa niya ay katabi sa kama matulog ang nanay nito kahit na kung tutuusin ay malaki at adult na siya. Iyan daw ang isa sa mga isyung pinagtatalunan nilang mag-jowa.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Sobrang close daw ang jowa niya sa nanay nito, at paminsan daw, "sinusungitan" siya ng kaniyang future mother-in-law.

Kuwento ng caller, nagkaroon sila ng celebration matapos ang proposal ng jowa sa kaniya, sa guest house nila. Nang matapos daw ang dinner at nagpunta lang siya sa banyo para mag-retouch, pagbalik niya ay nakaligpit na at nawawala ang kaniyang jowa. Hinanap niya ito at natagpuan naman sa isang guest room.

Ngunit hindi niya kinaya ang tumambad sa kaniya dahil nakita niyang nakahiga ang boyfriend niya sa hita ng nanay nito, at nagbe-breastfeed!

Maging si DJ Kara ay na-shookt sa narinig niya. "Is it a joke?"

"Hindi po DJ Kara," saad ng caller.

Nang tanungin kung anong reaksiyon at ginawa niya nang makita ang fiance at nanay nito sa ganoong sitwasyon, tila nablangko raw ang caller dahil hindi niya alam ang gagawin.

Nagulat din umano ang mag-ina nang mahuli sila sa ganoong sitwasyon.

Paliwanag daw ng boyfriend ng caller, normal lang daw na ginagawa nila iyon ng mama niya para kumalma siya.

Para sa caller, hindi kapani-paniwala ang paliwanag ng fiancé kaya nag-walk out siya. Simula raw nang mahuli niya ang mag-ina, tatlong buwan siyang hindi nakipag-usap sa jowa. Iyon ang hinihinging payo ng caller kay DJ Kara; kung itutuloy pa ba niya ang pakikipagrelasyon sa boyfriend o hihiwalayan na?

Nanghihinayang din kasi si caller sa tagal nang pinagsamahan nila ng boyfriend, na humantong na nga dapat sa pagpapakasal. Subalit, hindi rin dapat isantabi ang nasaksihan niya sa mag-ina, na tila hindi raw normal.

Saad naman ni DJ Kara, mukhang may psychological effect o issues ang boyfriend dahil tila hindi normal na ganoon ang ginagawa nilang mag-ina.

Payo ni DJ Kara, kailangang kumonsulta ng caller sa isang professional help at hindi ito basta-basta makukuha ng love advice mula sa kaniya.

"I would suggest na pumunta ka sa isang professional o psychiatrist para maintindihan [mo], or isama mo 'yong boyfriend mo, para ma-gets mo rin, bakit ginagawa 'to ng boyfriend ko. Anong klaseng act ito, 'di ba?"

Video | Facebook

Isang netizen naman ang nagpaliwanag o nagbigay ng opinyon sa sitwasyon pinagdaraanan ng boyfriend ng caller.

"OEDIPUS COMPLEX from King Oedipus (Greek Myth) na nagkaroon ng Sexual desire sa Sarili niyang ina. ELECTRA COMPLEX naman kapag ung anak na babae nagkaroon ng Sexual desire sa sarili niyang ama. According to Psychology nangyayari ito dahil sa sobrang attachment ng anak sa parent. SON to MOTHER, DAUGHTER to FATHER. attachment na akala ng anak eh intimate feelings at nauuwi sa RIVALRY ng FATHER to SON and MOTHER to DAUGHTER. Ang best way daw na dapat gawin is paghiwalayin sila ng magulang na kinahuhumalingan kapag natuon si Boy sa pagmamahal sa ibang tao makakalimutan Niya ung 'Feelings' kuno sa Nanay niya pero meron case na Lalo lumalala because of longing. GIRL, YOU REALLY HAVE TO TAKE THE RISK KUNG TALAGANG MAHAL MO BF MO OR YOU HAVE GAVE HIM UP," payo ng nabanggit na netizen.

Ikaw, anong maipapayo mo sa caller?