Natukoy na ng pulisya ang kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil nitong Linggo, Agosto 25.
Ayon kay Marbil, nasa underground facility lamang umano ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) si Quiboloy.
Kasalukuyan daw na hinahanap ng mga pulis ang entrance ng naturang underground facility.
Matatandaang nitong Sabado, Agosto 24, nang simulang pasukin ng nasa 2,000 Police (PNP) personnel ang compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City upang isilbi ang arrest warrant ni Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.
MAKI-BALITA: 2,000 pulis, hinalughog KOJC compound para kay Quiboloy
Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa kasong “ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2003 (RA9208 AS AMENDED BY RA 10364), REPUBLIC ACT 7610 (SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST ABUSE, EXPLOITATION, AND DISCRIMINATION ACT), AND CONTEMPT OF COURT.”
**Ito ay isang developing story