September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'He's back-bakan na!' Daniel Padilla, may tatlong 'bago'

'He's back-bakan na!' Daniel Padilla, may tatlong 'bago'
Photo courtesy: Screenshot from Star Creatives (FB)

Nanabik ang fans ni Kapamilya star Daniel Padilla dahil matapos ang dalawang taong pamamahinga sa teleserye at kontrobersiyang dulot ng paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo, heto't nagbabalik-pag-arte na siya.

Sa pagbabalik ni DJ sa limelight ay marami nang pagbabago at dapat abangan sa kaniya.

Una na rito, ang bagong kabibilangang action-drama series na "Incognito" kasama sina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Ian Veneracion. 

Facebook

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Pangalawa, ito ang unang beses na sasabak sa action scenes si DJ, well, nagawa na niya noon sa "La Luna Sangre" pero fantasy-drama naman kasi iyon.

Batay kasi sa teaser ay may hawak silang mga armalite at gear kaya mahihinuhang magiging maaksyon at madugo ito. Unang beses na mapapanood si DJ sa ganitong genre na tila sumusunod sa yapak ng mga uncle na sina Sen. Robin Padilla at Rustom Padilla (Bibi Gandanghari na ngayon). 

Pangatlo, nag-iba ng hairstyle si Daniel bilang paghahanda nga sa nabanggit na serye. 

Kamakailan lamang ay naugnay si Daniel sa anak ni San Juan City Mayor Francis Zamora na si Amanda Zamora. 

Mariin naman itong itinanggit ng mag-ama, lalo na si Zamora, na nagsabing walang intimate relationship ang aktor sa kaniyang anak, na ipinalit daw kay Kathryn. 

MAKI-BALITA: Mayor Francis Zamora, nagsalita sa pagkakaugnay ng anak kay Daniel Padilla

MAKI-BALITA: 'Amanda,' pangalan ng bagong jowa ni Daniel Padilla?