November 25, 2024

Home BALITA National

4.2-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

4.2-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.2 na lindol ang tumama sa Davao Occidental nitong Sabado ng madaling araw, Agosto 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:17 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 399 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 197 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.