September 13, 2024

Home BALITA

Sen. Risa, naloka; Alice Guo, kausap siya mismo kaya alam niya info kung nasaan siya

Sen. Risa, naloka; Alice Guo, kausap siya mismo kaya alam niya info kung nasaan siya

Tila nawindang si Sen. Risa Hontiveros sa ilang kumakalat na fake news na kesyo siya raw ang mismong kausap ng dismissed Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo kaya alam niya ang mga detalye at impormasyon kung saang mga bansa ito nagtungo, nang tumakas ito mula sa Pilipinas.

Sa naganap na "Kapihan sa Senado," nag-react si Hontiveros sa ilang fake news kaugnay nga sa pagtakas ni Guo.

"Nakakaloka naman itong FAKE NEWS na si Alice Guo daw nagbigay ng info sa akin kung nasaan siya," saad ni Hontiveros sa caption ng ibinahagi niyang video clip sa naganap na Kapihan.

Sa mismong video clip, ipinagdiinan ng senadora na walang katotohanan ang mga kumakalat na fake news patungkol dito.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"Hindi kami friends!" natatawang sagot ni Sen. Risa.

"Hindi kami friends din eh, kaya hindi siya ang nagbigay ng information sa akin, gaya ng nabanggit ko kanina, ako po'y sumulat naman talaga sa NBI noon para humingi ng update sa kanilang manhunt kay Guo Hua Ping [Alice Guo] at nung makatanggap ng unverified pa na information mula pa mismo sa NBI, kinorroborate po namin iyon at nagawa naman po mula sa iba pang mga sources sa ibang mga bansa kasama ang Malaysia, ang Singapore pati China, and then, in the meantime, na-corroborate na rin ng Bureau of Immigration," aniya.

Facebook

Sa comment section ay nagpaalala rin si Sen. Risa, " WARNING: Mag-ingat din po sa mga edited photos online na magkasama kami di umano at magkaibigan daw kami. FAKE NEWS lahat po. Wala akong kaibigan na pekeng Pilipino. Please be vigilant."

Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros ang nagsabing nasa ibang bansa na si Alice Guo noon pang Hulyo, na nagpunta sa Malaysia, Singapore, at huli nga raw ay sa Indonesia.

Sa latest ay nasakote na ang dalawang kasama ni Alice ng mga awtoridad sa Indonesia, na kaibigang si Cassandra Li Ong at kapatid niyang si Sheila Guo. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Indonesia habang isinusulat ang balitang ito.

MAKI-BALITA: Kapatid ni Alice Guo, kasama sa 2 nahuli sa Indonesia

MAKI-BALITA: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros