October 05, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, nakatanggap ng ₱10M mula kay Manny Pangilinan

Carlos Yulo, nakatanggap ng ₱10M mula kay Manny Pangilinan
Courtesy: Manny Pangilinan/X

“₱10 million ulit para kay Carlos Yulo!”

Hindi pa rin humuhupa ang daloy ng blessing para kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos niyang makatanggap ng ₱10 milyon mula kay Metro Pacific Group chairman Manny V. Pangilinan.

Ianunsyo mismo ni ang naturang pagkaloob niya ng ₱10 million kay Yulo sa pamamagitan ng isang X post nitong Huwebes, Agosto 22.

Bukod dito, magkakaloob din daw si Pangilinan ng ₱5 milyon sa coaching team ni Yulo, at tig-₱2 milyon din ang Olymic bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.‬

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“Happy to announce a cash reward of 10M for Caloy and 2M each for Nesthy and Aira. In addition, we are giving 5M to Caloy’s coaching team and 2M to the boxing coaches,” ani Pangilinan sa kaniyang post. 

“Like always, they can count on our continued support until LA 2028. Mabuhay ang ateletang Pinoy!” saad pa niya.

BASAHIN: The Golden Boy: Si Carlos Yulo at kaniyang dalawang gintong medalya