December 23, 2024

Home BALITA National

VP Sara, may plano nga bang maging pangulo ng Pilipinas?

VP Sara, may plano nga bang maging pangulo ng Pilipinas?
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Sinagot ni Vice President Sara Duterte nitong Martes, Agosto 20, kung may plano siyang maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag, unang tinanong si Duterte kung tatakbo ba siya sa 2028 national elections.

“Mahirap sagutin ang 2028. Kasi imagine ninyo, pagbaba ko rito nahulog ako doon sa hagdan, ‘di ba? Eh namatay ako bukas. Sayang ‘yung paghahanda ko dahil ang layo ng 2028,” ani Duterte.

“Dapat magplano for 2028 sa 2027 at fourth quarter ng 2026,” dagdag niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Nang tanungin naman kung may plano siyang maging susunod na pangulo ng bansa, ani Duterte: “Wala akong planong ganiyan.”

Matatandaang nanalo si Duterte bilang bise presidente ng bansa noong 2022 national elections.

Siya ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang naging punong ehekutibo ng bansa mula 2016 hanggang 2022.