October 05, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Mister nagpakalbo para suportahan pakikipagbuno ng misis sa cancer

Mister nagpakalbo para suportahan pakikipagbuno ng misis sa cancer
Photo courtesy: Gerald Espargal (Balitanghali/YouTube)

Pinatunayan ng isang mister sa Abulug, Cagayan ang wedding vow na "In sickness and in health" matapos niyang magpakalbo para ipakita ang suporta sa misis na nakikipaglaban sa sakit na cancer.

Sa ulat ng "Balitanghali" ng GMA Network noong Agosto 15, kinalbo mismo ni Gerald Espergal ang kaniyang sarili gamit ang razor sa harapan ng kaniyang emosyunal na misis.

Sa video, makikitang inahit mismo ni Gerald ang kaniyang buhok habang niyayakap-yakap ang asawang nakikipaglaban sa sakit na lymphoma, o isang uri ng cancer na may kinalaman sa lymphatic system na germ-fighting at disease-fighting immune system sa katawan ng tao.

Paraan daw ito ni Gerald upang ipakita kay Carla na hindi niya iiwanan ang asawa sa pinagdaraanan nito ngayon, sa hirap man o ginhawa. Walong taon na raw kasal ang dalawa at may dalawang anak na rin.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Naantig naman ang mga netizen sa ipinamalas na pagmamahal ni Gerald para sa kaniyang misis.

"Ganyan din kami ng mga anak ko nung nakalbo si misis dhil sa chemo."

"Magpagaling ka ate. Alam kong kayang kaya mo yan at kakayanin ng buong family mo at tiwala lang ate na malalampasan niyo ito ni kuya dahil kasama mo si God sa laban mo at ng family mo."

"Ganyan din po husband ko nung nakalbo ako."

"Sana all may ganiyang asawa."

Nagpasalamat naman si Gerald sa lahat ng suporta at paghanga ng netizens sa kanilang mag-asawa.

"Salamat po. Mas lalo ko pa pong titibayan loob ko para sa asawa ko. Please follow niyo din page ko po salamat," aniya sa comment section ng GMA News.