Ipinag-utos ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagpapa-in contempt ni Jojo Nones, isa sa mga akusado sa reklamong sexual harassment ng GMA Sparkle artist na si Sandro Muhlach, nang muli silang imbitahan para sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media.
Pina-cite in contempt ni Estrada si Jojo Nones dahil sa patuloy umano nitong pagsisinungaling kaugnay sa umano’y pangmomolestya sa anak ni Niño Muhlach. Dumalo naman sa kauna-unahang pagkakataon si Sandro sa pamamagitan ng video conferencing, sa paggabay ng kaniyang abogado.
May approval naman ni Committee on Public Information and Mass Media Chair Sen. Robin Padilla ang hakbang ni Estrada.